Damang-dama ng mga dumating na distressed OFW mula sa bansang Riyadh ang kapaskuhan, matapos silang salubungin ng Department of Migrant Workers o DMW at ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa NAIA terminal 1 kaninang umaga.
Maliban kasi sa pamaskong “pasalubong” na iniabot ng mga ahensya ng gobyerno, nakatanggap din ang mga ito ng financial assistance mula sa DMW na 50 thousand pesos at karagdagang 5 thousand pesos sa may kasamang anak.
Nasa 33 adult at 17kids ang dumating ngayong araw.
Sa mensahe naman ni DMW OIC Hans Leo Cacdac, layon nilang maramdaman ng mga OFW ang serbisyo, suporta, tulong, at pagmamahal sa kanila ng pamahalaan.