CAMARINES SUR- May mga red areas pa rin at may recurrence cases ng African Swine Fever (ASF) sa Camarines Sur.
Ito ang datus na ipinakita sa mga kawani ng Media ng Department of Agriculture (DA)-Bicol. Ayon kay Rosita Imperial, Chief Regulatory Division ng ASF ang huling nakapagtala ang Pinagdapian Del Gallego base sa laboratory results ng sample nitong Enero 10 , 2024. Nagkarooon na ng depopulation, nagpapatuloy ang surveillance within 500 meter radius mula sa ground zero. Enero 4 naman positibo ang lab results sa Poblacion, Lupi kung saan nagkaroon din ng surveillance, activated ang ASF Task Force at nagkaroon ng border checkpoints.
Sa Odicon, Cuco, Itulan, Quitang, Caranan at Balogo Pasacao naman Dec. 22 pa lumabas ang resulta pati sa Tomagoktok Del Gallego. Sa Libmanan wala nang aktibong kaso pero naka red zone pa rin dahil may guidelines sa lifting mula sa red patungo sa pink zone. Ang umano’y ASF naman sa Pamplona ay negative sa test.
Patuloy ang kampanya ng DA sa mga pamamaraan ng pag iwas sa ASF dahil sa mga recurrence cases.