Nanindigan si National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na wala sa polisiya ng pamahalaan ang mang red-tag.
Ito ang tiniyak ni ADG Malaya kay UN Special Rapporteur Irene Khan nang bumisita ito sa bansa.
Ayon kay Malaya, wala umanong patakaran ang gobyerno ukol sa red-tagging, at walang utos para dito.
Binanggit din niya na ang mga taong umano’y na red-tag ay maaari naman maghain ng kasong libel sa korte.
Nauna nang sinabi ni Malaya na hindi krimen ang “red-tagging” na pinagpipilitan ng mga komunistang-terorista na wala umanong ibang hangarin kundi ipahiya ang pamahalaan lalo na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.