NAGA CITY – Inihayag sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Joselito del Rosario, Chairman ng Committee on Education sa konseho na handang tumulong ang kanyang komitiba sa mga school head na magkakaproblema dahil sa nararanasang init ng panahon, lalo na ang mga may maliliit lamang na silid-aralan classroom na may maraming mag-aaral.
Posibleng maapektuhan ang kalusugan ng mga bata, pati na rin ng mga guro kung magiging mainit ang kanilang paligid.
Ayon sa Konsehal, bagamat limitado lamang ang kanilang pondo, pinagsusumikapan ng kanyang opisina na mapagbigyan ang mga simpleng request ng mga guro, para na rin sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Sa mga itinatayong paaralan ng lungsod, tiniyak niya na mas malaki na ang mga silid-aralan para mas maging komportable ang mga ito habang nag-aaral, sabi pa ni Del Rosario.