KORONADAL CITY – NAPINSALA ang 13 kabahayan mula sa walong sitios ng Barangay Masiag, Bagumbayan, Sultan Kudarat dahil sa tension cracks.
Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO Operations and Warning Division Chief Harry John Hurtada na dahil sa sunud-sunod na buhos ng ulan, lumambot ang lupa na nagresulta sa tension cracks.
Ilan sa mga ito ay totally damaged, habang mayroon namang partially damaged.
Wala namang naiulat na nasugatan o casualties sa naturang insidente.
Ang mga apektadong pamilya ay pansamantalang pinalikas muna habang nagsasagawa pa ng assessment ang Mines and Geosciences Bureau o MGB 12 at MDRRMO.
Nananawagan naman si Hurtada sa mga residente na mag-ingat at maging mapagmatyag lalo na ngayong tag-ulan.