Nagpaabot si Pangulong Bongbong Marcos ng pagbati para sa ika-95 kaarawan ng kanyang ina at dating Unang Ginang Imelda Marcos ngayong araw, July 02.
Sa Instagram post ng Pangulo, pinasalamatan nito ang kanyang ina sa mga turo sa kanya at sa mga apo nito kung papaano maging mapagbigay, mabait at mapagmahal na indibidwal.
Sa hiwalay na post, binati rin sya ni First Lady Liza Araneta Marcos, at nagpasalamat sa pagiging ‘2nd mother’ nito sa kanya.