Binabakunahan sa Olongapo kontra corona virus disease ang mga mangagawang sa lungsod nagtatrabaho.
Ito ay kahit pa walang sariling bahay, lupain at iba pang ari-arian sa lungsod.
Ayon kay City Health Officer Dr.Doods Bustamante, alinsunod sa guidelines, kung saan nagtatrabaho ang isang indibidwal ay obligado ang vaccination team na turukan kontra covid-19.
Matatandaan, kinuwestiyon ng ilan kung bakit maging ang mga taga Bataan at Zambales ay binabakuhan gayong ang mga bakunang padala ng DOH ay para sa mga residente ng Olongapo.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Olongapo City Information Center