Incumbent Municipal Councilor at 2 pang kandidatong konsehal sa Donsol, Sorsogon patay matapos dukutin sa Albay; alyas ‘Bikoy’, itinuturong suspek

(Developing Story) LEGAZPI CITY—Patay ang incumbent Municipal Councilor at dalawa pang kandidatong konsehal sa Donsol, Sorsogon matapos ang mga itong mapaulat na dinukot alas 12 ng hating gabi kagabi sa bayan ng Daraga, Albay.

Ayon sa inisyal na report ng Daraga Municipal Police Station, nakilala ang mga biktima na sina Donsol Municipal Councilor Helen Advincula Garay, Kareen Dela Rosa Averilla, 44-anyos at Xavier Alim Mirasol, 61-anyos, parehong negosyante at mga tumatakbong konsehal sa bayan ng Donsol, Sorsogon.

Ayon sa pahayag sa PNP ng isang Lalaine Herrera Amor, ang nasabing konsehal at dalawa pang kasamahan ay makikipagkita umano sa BBM party bilang mga coordinators.

Pero matapos na makipagkita kay Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ ay basta na lang nawala ang mga biktima.

Ngayong umaga lamang nang kumpirmahin ng pamilya ng incumbent councilor na patay na ito at ang mga kasama. Nabatid na tiyahin ng suspek ang pinaslang na konsehal.

Sa ngayon, hawak na ng Daraga Municipal Police Station si alyas “Bikoy” habang inaalam pa ng mga otoridad ang iba pang mga detalye hinggil sa insidente.

Mababatid na si Alyas Bikoy ay siyang nagsiwalat hinggil sa umano’y ouster plot o “Project Sodoma” laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng “ang totoong narcolist” video kung saan naharap siya sa patong-patong na kaso.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *