Bukas na ang 313 na mga paaralan sa lalawigan ng Zambales at nagpapatupad ng limited face-to-face classes.
Batay sa ulat Deped Region 3, ang Schools Division of Zambales ang kauna-unahang SDO sa rehiyon na isandaang porsyentong nagbukas na ang mga paaralan para sa limitadong in-person classes.
Ayon kay ASDS Michelle Mejica, marami pang mga mag-aaral ang nais na ring bumalik sa eskwelahan pero sa ngayon limitado pa ang bilang ng mga estudyante base na rin sa sinusunod na guidelines.
Nagpapasalamat naman ang SDO Zambales sa suporta ng mga Local Government Unit, healthworkers, mga guro at magulang na nakiisa para makapagbukas nang muli ang lahat ng paaralan sa lalawigan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: SDO Zambales