Nakilahok ang bagong Ambassador ng Department of Agriculture na si Ms. Aura International 2021 Alexandra Faith Garcia sa paglunsad ng programang Fuel Discount subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda sa Subic, Zambales.
Ito ay dahil bahagi si Garcia ng Food Always in the Home project ng Department of Agriculture sa ilalim ng programang Urban Agriculture.
Ayon kay Garcia kabilang sa kanyang ginagawa ngayon ay pumupunta sa mga eskwelahan at mga beneficiaries ng DSWD para mamigay ng mga seeds para makapag-umpisang makapagtanim ang mga benipisyaryo.
Naniniwala si Ambassador Garcia na magagamit niya ang kaniyang boses at kakayanan upang mahikayat ang mga kabataang pumasok sa sektor ng agrikultura.
Si Garcia ang kauna-unahang Pinay at taga-Olongapeno na naging Ms. Aura International na itinanghal sa Turkey nakaraang taon na ginanap sa Antalya, Turkey.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: DA Central Luzon