Kinumpirma ng Philippine Coastguard na dumarami na ang mga mangingisdang Filipino na dumadayo sa Bajo de Masinloc sa Zambales.
Base sa maritime monitoring ng PCG mula nitong nakalipas na Feb. 28 hanggang March 5 ay nasa apatnaput limang Bangka ng mga mangingisdang Pinoy ang kanilang namataan.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, nagpapakita ito ng mas matatag na maritime security para maproteksyunan ang mga mangingisda at mapanatili ang kanilang kaligtasan.
Matatandaan na inatasan ng Department of Transportation ang PCG na palakasin ang deployment assets nito para maprotektahan ang mga mangingisdang Filipino.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Philippine Coast Guard