Malaki na ang nabawas sa kasalukuyang aktibong kaso ng corona virus disease sa lalawigan ng Zambales.
Sa datos ng Provincial Health Office, single digit na lamang ito ngayon mula sa dating double digit nakaraang linggo.
As of March 25 ay nasa pito na lamang ang aktibong kaso ng probinsiya mula sa mahigit 11-thousand na confirmed cases.
Sa kabila ng tuluyang pagbaba ng kaso ng virus, paalala pa rin ng PHO sa publiko na sumunod sa mga alituntunid at suportahan ang vaccination program ng gobyerno.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO