SORSOGON CITY – Magsasagawa ang LGU-Gubat ng Mass Castration and Hysterectomy sa mga alagang aso at pusa sa nasabing bayan.
Nakatakda ito sa araw ng Miyerkules, Marso 30, 2022 sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office sa pakikipagtulungan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMAG).
Ang aktibidad ng pagkakapon ay bukas sa mga aso at pusa na ang edad ay 3 months old pataas at ito ay first come, first serve basis kung kaya hinihikayat lahat ng mga interesado na pet owners na agad nang magpalista sa LGU-Gubat Municipal Agriculturist.
Ang aktibidad ay bahagi pa rin ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso.