KORONADAL CITY- HINIHIKAYAT ng Department of Education o DepEd Region 12 ang mga mag-aaral at mga magulang na iparehistro ang kanilang mga anak sa isinasagawang early registration para sa school year 2022-2023.
Ayon kay DepEd 12 regional information officer Antonio Maganto na ito ay isang hakbang upang mapaghandaan ng mga paaralan ang pagdagsa ng mga mag-aaral sa susunod na pasukan lalo na ang pag-imprinta ng mga self-learning modules.
Sa pamamagitan nito, maiiwasan aniya ang problema sa kulang na mga modules.
Ang pre-registration ay para sa mga papasok sa Kindergarten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11.
Samantala, hindi na kailangang magparehistro ng mga nasa Grade 2 hanggang Grade 6, Grade 8, 9 at 10 at Grade 12 dahil kinokonsidera na ang mga ito na rehistrado.
Ang early registration ay magtatagal hanggang Abril 30, 2022.