Pinuri si TNT veteran Jayson Castro bilang “Mr. Hero” ng kanyang teammate na si Mikey Williams, matapos na muling maghatid ng tagumpay sa Tropang GIGA.
Susi sa panalo ang game-winner ni Castro sa huling 1.6 seconds ng laro, 86-84.
Dahil dito nakauna na ang TNT laban sa San Miguel Beer sa Game 1 ng 2022 PBA Philippine Cup Finals.
Nabatid na ang buzzer-beater din ni Castro ang nagsalba sa TNT sa Game 3 ng PBA semis laban sa Magnolia Hotshots dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan.