ECC, isinama na ang COVID-19 bilang compensable disease

Inaprubahan ng The Employees’ Compensation Commission (ECC) na pinamumunuan ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang pagsama sa COVID-19 sa kanilang listahan ng occupational at work-related compensable diseases.

Ibig sabihin, ang mga manggagawa mula sa pribadong sektor o public sector na nahawa ng COVID-19 ay makakatanggap ng kompensasyon mula sa ECC’s Employees’ Compensation Program.

Ayon kay Bello, mataas ang compensation ng mga work-related illness na kadalasa’y nasa P10,000, pero kung COVID-19 umano ay nasa P30,000.

Nilinaw naman ng Department of Labor and Employment-Public Information Service director Rolly Francia, na ang halaga ay nirekomenda ng ECC board para sa approval ni Pangulong Rodrigo Duterte. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.