Top 6 most wanted na may kasong rape, huli sa Laguna

Arestado ang isang lalaking most wanted sa kasong rape sa ikinasang operasyon sa Brgy. Dita, Sta. Rosa City, Laguna.

Kinilala ng Sta. Rosa City Police Station ang suspek na si alyas Renato, itinuturing na Top 6 Most Wanted Person ng City Level sa kasong RA 7610 (3 counts) o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act”.

Ayon kay Lt. Col Paulito M Sabulao, hepe ng Santa Rosa CPS, sa bisa ng warrant of arrest ay nagkasa sila ng manhunt operation ganap na alas-9 kagabi, Enero 27, 2023 na nagresulta sa pagkaaresto ng nasabing akusado.

Ang akusado ay nahaharap sa naturang kaso na isinampa noong Enero 20, 2023 na may pyansang aabot sa P540,000 na inisyu ng Regional Trial Court Branch 102 sa Sta. Rosa City.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Rosa CPS ang nahuling akusado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *