Alkalde ng Sultan Kudarat tiniyak na tuloy-tuloy ang pagtanggal ng mga water Hyacinth sa Delta Bridge 2

TINIYAK ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang pagtatanggal ng mga water hyacinth na nakabara sa bahagi ng Delta Bridge 2 sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sinabi ni Mayor Mastura na patuloy ang ginagawa nyang pakikipag-ugnayan sa mga ahensyang dapat tumingin sa sitwasyon kaya naman nitong nakaraang linggo sya mismo ay sumama at tumulong sa pagtangal ng mga nagkumpulang water lily.

Nabatid na nasa mahigit limang hektarya na ng water hyacinth ang nakabara ngayon sa kailugan ng Rio Grande de Mindanao na nasa bahagi ng Barangay Bulibod na sanhi umano ng pagkakaroon ng baha sa mga low lying barangay ng bayan.

Hindi na rin nakakadaan ang mga malalaking bangka dahil sa nasabing kadahilanan dagdag pa ng alkalde.

Patuloy din ngayon ang ginagawang paghahanda ng LGU upang mabigyan ng mga paunang tulong o ayuda ang mga residenteng apektado ng pagbaha sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *