A4 priority group sa lungsod ng Sorsogon hindi pa nababakunahan- CHO

SORSOGON CITY – Wala pang indibiwal mula sa A4 priority sa lungsod ng Sorsogon ang nababakunahan kontra COVID-19. 

Sa panayam ng Brigada News FM kay OIC Sorsogon City Health Officer Dr. James Apin, sinabi nito na sa ngayon ay prayoridad muna ng lungsod na matapos ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine sa A2 at A3 priority group na kinabibilangan ng mga senior citizens at persons with comorbidities o mga indibiwal na may isa o higit pang karamdaman.

 Pagtitiyak ng opisyal, matapos ang pagbabakuna sa mga nasabing priority groups ay saka na sisimulan ang pagtuturok ng bakuna sa A4 na kinabibilangan ng frontliners at essential workers tulad ng mga indibidwal na nagtatarabaho sa transport, security, food and service, delivery services, financial services, teaching personnel, media at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *