Aabot sa 5k na bakuna inaasahang darating ngayong araw sa Albay-Gov.Bichara

LEGAZPI CITY – Inihayag kahapon ni Gobernador Al Francis Bichara na mayroong darating na humigit kumulang na 5k bakuna ang inaasahang darating ngayon araw sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Bichara, isasagawa ang pagbabakuna sa Albay Astrodome kung saan uunahahin ng mga ito ang mga market vendors dahil sila ay laging pinupuntahan ng mga mamimili.

Aniya, isasabay na rin n Pamahalaang Panlalawigan ang mga nasa bangko, Apec at iba pang na matataong lugar.

Nilinaw din nito na ang mga babakunahan ay hindi pa naturukan ng sinuvac o astrazeneca.

Layunin lamang nito ay mapabilis ang pagbabakuna sa Albay at mabigyan ng proteksyon laban sa sakit na covid 19.

Sinabi pa ng Gobernador, sakling hindi man makapagsimula ngayon araw ng pagbabakuna ay bukas araw ng sabado ay magsisimula ng pagbabakuna.

Hinikayat na rin ang mga media personnel sa Albay na sumabay na rin sa pagbabakuna na gagawin sa Albay Astrodome.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *