NAGA CITY- 12 na mga negosyante ang bagong nakatanggap ang loan assistance sa Naga kahapon sa ilalim ng Business Stimulus Program (BSP).
Ang iba sa mga ito ay sari-sari store owners habang ang iba ay mayroong repair shops, nasa food catering service, at iba pa.
Layunin ng BSP ang matulungan na makapagsimulang muli ang mga negosyanteng pinadapa ng pandemya.
Sa huling datos ng Metro Naga Public Employment Office umabot na sa P7,950,000 ang halaga ng capital na pinautang. P10M ang pondo na inilaan ng LGU para rito.
Ayon kay METROPESO Chief Jun Mongoso, depende sa negosyo ang halaga ng pinapautang, at binabase rin sa bilang ng mga empleyado; hanggang sa P25K sa may isang empleyado tataas depende sa bilang ng personahe.
Ang maganda pa rito, walang interes na ipinataw ang LGU base sa ordinansang nakasakop dito.