Aaron Carter, nalunod sa kanyang bathtub dahil raw sa droga at inhalant- Autopsy

Inilabas na ng Los Angeles County medical examiner-coroner’s office ang resulta ng autopsy sa katawan ng international pop star na si Aaron Carter.

November 5 noong nakaraang taon natagpuang patay si Aaron sa kanyang bahay sa Lancaster, California.

Ayon sa autopsy report na nakuha , namatay ang pop star matapos nitong malunod sa kanyang bathtub.

Nalunod umano ito matapos makalanghap ng difluoroethane at pag-ingest ng alprazolam isang generic form ng Xanax.

Ayon pa sa autopsy report, wala umanong nakitang “life-threatening traumatic injuries” noong ito’y namatay.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *