Aaron Carter, natagpuang wala nang buhay sa kanyang bahay sa California

Natagpuang patay ang ’90s child pop star na si Aaron Carter sa kanyang bahay sa Lancaster, California.

Kaugnay nito, sinabi ng mga awtoridad na wala umano silang nakikitang foul play sa insidente, pero patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng pagkamatay ng 34-anyos na si Carter. 

Si Carter ay kapatid ng ’90s boy band na Backstreet Boys member na si Nick Carter, at noong 1990s nang unang sumikat ito bilang child pop singer, kung saan pinasikat niya ang mga kantang “Aaron’s Party (Come Get It)”, at “Oh Aaron,” at lumabas din siya sa ilang broadway shows gaya ng “Seussical” at “The Fantasticks.”

Unti-unting nawala ang kasikatan nito, ngunit nanatili rin sa mata ng publiko, at naging bukas sa mga tao ang pakikipaglaban ni Carter sa addiction, kung saan ilang beses ang paglabas-masok niya sa rehab.

Sa katunayan, ang pinakahuli ay nito lamang taon para umano sa kustodiya ng kanyang anak na si Prince.

Matatandaan na noong 2019 nang lumabas siya sa isang celebrity wellness TV show, at ipinakita ang prescription drug, at kinumpirmang na-diagnose siya ng multiple personality disorder, schizophrenia, manic depression at anxiety.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *