Abalos bumuwelta sa PNP chief kaugnay sa P6.7 billion drug haul

Binigyang diin ni Interior Secretary Benhur Abalos na mismong ang CCTV footage na ang nagsasabi sa umano’y cover-up attempt ng ilang mga pulis sa P6.7 billion drug haul noong October 2022.

Ginawa ni Abalos ang pahayag bilang tugon sa depensa ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na walang cover-up na nangyari sa naturang operasyon.

Giit ng DILG chief, na bagama’t ginagalang umano niya si General Azurin, tiyak umano siyang papabor din ang PNP chief sa kanya na deserve malaman ng publiko ang katotohanan.

Dagdag pa nito, hindi lamang umano ito sa isyu ng 42 kilos kundi higit sa lahat sa kung ano ang nangyari sa 900 kilos na shabu na nakumpiska.

Una nito, nanawagan si Abalos sa sampung pulis, kabilang na si PNP Drug Enforcement Group (PNP-PDEG) director Police Brigadier General Narciso Domingo, na mag-leave of absence dahil sa posibleng pagkakasanngkot sa umano’y cover-up. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *