Abalos nag-alok ng P500K para sa impormasyon ng mga suspek na pumaslang kay Percy Lapid

Nag-alok si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ng P500,000 para sa mga makakapagbigay ng impormasyon kaugnay sa mga killers ng radio broadcaster na si Percy Lapid.

Inanunsyo ni Abalos ang naturang pabuya, nang bumisita ito sa lamay ni Lapid.

Ayon sa DILG chief, na ang pera ay manggagaling umano sa kanyang sariling bulsa.

Sinabi nito na kinokondena ng kasalukuyang administrayson ang naturang krimen, at tiniyak sa publiko na ginawa ng gobyerno ang lahat para maresolba ang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *