Abalos nangako na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Gov. Degamo

Nangako si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. kahapon sa mga residente ng Negros Oriental na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sa isang press briefing, pagkatapos ng command conference sa PNP sa Sibulan, Negros Oriental , nilinaw ni Abalos na walang nakitang pattern sa mga pag-atake kamakailan na kinasasangkutan ng mga lokal na opisyal, lalo na ang mga gobernador.

Gayunpaman,ipinag-utos niya sa PNP ang pagkakaroon ng maximum police visibility at paigtingin ang kampanya laban sa loose firearms at illegal fire arms.

Sinabi pa ng interior secretary na magpapatupad din siya ng ilang pagbabago sa mga ahensya ng lalawigan kasama ang mga uniformed personnel habang hinihintay ang imbestigasyon sa pagpatay sa gobernador.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *