National

Abogado ni Quiboloy, iginiit na walang akusasyon na ginawa ang pastor laban kay Pacquiao

Itinanggi ng mga abogado ni Pastor Apollo Quiboloy ang mga akusasyon na ibinabato sa kaniya ni Senator Manny Pacquiao..

Ito ay matapos maghain ni Pacquiao ng P100-million cyberlibel complaint laban kay Quiboloy sa Makati City Prosecutor’s Office dahil sa paggamit umano ng pastor sa kapangyarihan at impluwensya nito para magpakalat ng pekeng impormasyon laban sa kaniya.

Nag-ugat ang reklamo mula sa social media post ni Quiboloy, kung saan ay inakusahan umano nito ang senador ng paggamit ng public funds para sa pagpapagawa ng Sarangani Sports Training Center na hanggang ngayon ay hindi pa tapos.

Sa isang online conference ay sinabi ng mga abogado na ginamit lamang ni Quiboloy ang karapatan nito na magbigay ng critical evaluation ni Pacquiao, na isang opisyal ng gobyerno.

Nanindigan ang mga abogado na karapatan ng bawat mamamayan na magtanong, makinig, magsalita at gumawa ng mga komentaryo tungkol sa mga aksyon ng public officials.

Base sa reklamo ni Pacquiao ay sinabi umano ni Quiboloy na umabot sa P3.5-billion ang nagastos ng gobyerno para sa proyekto sa Sarangani, habang ipinakikita ang mga litrato ng mga sira-sirang bleachers, at mga mahahabang damo.

Samantala, handa naman ang kampo ni Quiboloy na maghain ng counter affidavit bilang sagot sa reklamo ni Pacquiao, habang hinihintay ang magiging resolusyon ng prosecutor sa Makati.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

6 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

6 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

6 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

6 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

6 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

6 hours ago