Abra Representative Bernos, positibo sa COVID

Inanunsyo ni Abra Representative Joseph Sto. Niño “JB” Bernos na muli siyang nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Bernos na fully vaccinated na siya at natanggap na rin niya ang kaniyang booster shots.

Ayon sa kongresista, nakararamdam lamang siya ng mild COVID-19 symptoms.

Inihayag ng mambabatas na alinsunod sa payo ng mga doktor ay sumasailalim siya ngayon sa home quarantine.

Negatibo naman ang lahat ng miyembro ng kaniyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.