Abu Dhabi, iba-ban ang mga unvaccinated na tao mula sa mga pampublikong lugar

Iba-ban na ng Abu Dhabi sa United Arab Emirates ang mga tao na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19 sa maraming mga pampublikong lugar, simula sa August 20.

Sinabi ng lungsod na aprubado na ng Abu Dhabi Emergency, Crisis and Disasters Committee ang nasabing polisiya na ipatutupad sa August 20.

Sa nasabing araw ay hindi na papayagan ang mga tao na unvaccinated na makapasok sa mga shopping malls, restaurants, retail stores, gyms, recreational facilities at sporting activities, hotel resorts, museums at parks, at maging sa mga unibersidad, paaralan, at nurseries.

Gayunman, mapapayagan pa rin ang mga unvaccinated na indibidwal na makapasok sa mga supermarkets at pharmacies.

Ipinaliwanag ng komite na ang desisyon nito ay nakalinya sa stratehiya ng emirates na labanan ang COVID-19 pandemic.

Pero nilinaw ng komite na hindi applicable sa mga bata na edad 15-pababa ang naturang polisiya at ang iba pa na exempted sa pagpapabakuna gaya ng mga buntis at ng mga indibidwal na may medical conditions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *