Abueva, nasuspende sa isang laro at nagmulta ng P10K dahil sa unsportsmanlike conduct

Nasuspende ang Magnolia Hotshots forward na si Calvin Abueva sa isang laro at nagmulta ng P10,000 dahil sa umanoy unsportsmanlike conduct nito.

Ayon sa post ng Philippine Basketball Association (PBA), nauna ng binalaan umano ang naturang basketbolista ng first unsportsmanlike behavior bago pa ang PBA season.

Pinalabas si Abueva sa kalagitnaan ng laro ng Magnolia at Barangay Ginebra sa fourth quarter dahil sa nasabing pangyayari.

Samantala, matapos nito, nanatili na mang panalo ang koponan ng Magnolia laban sa Ginebra sa score na 89-84. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.