Accessible at abot-kayang dialysis treatment para sa mga Pilipino, ipinangako ni PBBM

Ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang accessible at abot-kayang dialysis treatment para sa mga Pilipino.

Sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng National Kidney and Transplant Institute , sinabi ni Marcos na para maiwasan ang pagkamatay dahil sa kidney disease, titiyakin ng kanyang administrasyon na makukuha ng institusyon ang lahat ng tulong na kinakailangan para sa pagsulong at pag-unlad nito.

Pinuri rin ni Marcos ang pangako ng NKTI sa pinakamataas na pamantayan ng kalidad ng pangangalaga sa pasyente sa pamamagitan ng pagbibigay ng abot-kayang pagsusuri, prevention, treatment at rehabilitation.

Hinimok rin ng Pangulo ang mga opisyal at kawani ng NKTI na ipagpatuloy ang pagsusulong sa Universal Health Care para mapababa ang mortality rate ng bansa pagdating sa kidney diseases.

Pinasalamatan rin niya ang mga opisyal at kawani nito dahil sa kanilang pagbabahagi ng best practices, pagsasaliksik, at pagsasagawa ng training para sa mga health professionals.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *