Accredited Konsulta facilities sa region 12, umabot na sa 60

KORONADAL CITY- ACCREDITED Konsulta providers na ang 60 o 95% ng target na mga health facilities sa rehiyon 12.

Ayon kay PHilHealth 12 KonSulta Technical Working Group Vice Chairman Dr. Antoniette Ladio na tatlo na lamang sa 63 na target na mga pasilidad ang hindi pa nabibigyan ng accreditation bilang Konsulta Providers.

Samantala, isinusulong naman ng Accreditation and Quality Assurance Section na maaccredit ang mga private clinics at private health facilities.

Sa pamamagitan nito, mas marami nang pagpipilian ang publiko kung saan nila gustong magparehistro at mag-avail ng Konsulta package.

Ang KONSULTA ay isang preventive care services na nag-aalok sa mga Philhealth members at sa kanilang mga dependents, anuman ang membership category, ng comprehensive outpatient health services katulad ng initial at follow-up primary care consultations, libreng health screening and assessment, diagnostic services at mga gamot.

Sa pamamagitan nito, mahihikayat ang mga mamamayan na magpakonsulta upang agad na mabigyan ng gamot at hindi na lumala pa ang kanilang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *