Acorda, kinumpirma sumasailalim sa vetting process ang lahat ng drug enforcement units

Sinusuri na ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng drugs enforcement units nito kasunod ng umano’y pagkakasangkot ng ilang mga pulis sa 990-kilo shabu drug haul noong 2022.

Ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr., gumugulong na ang kanilang vetting process hindi lamang sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG) kung ‘di pati na rin sa lahat ng drug enforcement unit (DEUs) sa rehiyon man o probinsya.

Dagdag pa niya, ang nais ng PNP ay ang concept ng pagsasagawa ng operasyon, at kung paano ipatutupad ang trabaho ng kanilang hanay.

Ani Acorda, maglalabas sila ng pinal na desisyon hinggil dito.

Mababatid na noong Oktubre 2022, naaresto ang ngayo’y natanggal sa puwesto na si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. matapos makitaaan ng shabung aabot ang halaga sa P6.7 billion mula serye ng anti-drug operations sa Maynila. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *