Active cases ng COVID-19 sa Albay bahagyang tumaas

BICOL—Bahagyang tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Albay sa nagdaang apat na araw.

Sa huling tala kahapon, nasa 837 ang active cases sa lalawigan mula sa 836 nitong Linggo, nag 842 noong Sabado mula naman sa 828 noong Biyernes.

Mababatid na Hulyo 15 nang bumaba na ito sa 815, ang pinakamababang naging pagbaba nito mula nang maitala ang pagsirit noong buwan ng Hunyo.

Pero minimal lamang ang naging pagtaas kung ikukumpara sa buwan ng Hunyo kung saan umabot ng libo ang aktibong kaso ng sakit sa lalawigan.

Samantala, dalawa lamang ang mga bagong nagpositibo na kapwa mula sa bayan ng Libon habang isa naman ang nasawi salig sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) Bicol kahapon.

Sa ngayon ay 4,865 na ang total confirmed cases ng sakit sa Albay,  185 ang nasawi habang 3,843 ang recoveries.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *