Active cases ng COVID-19, sumipa sa halos limang libo

Umakyat na sa halos limang libo ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa latest bulletin ng Department of Health, aabot na sa 4,860 ang mga active cases sa Pilipinas matapos madagdagan ng 409 new cases kahapon.

Metro Manila pa rin ang mayroong pinaka-maraming new infections at sinundan ng CALABARZON.

Sa kabila nito, nananatili pa rin namang mababa ang hospital utilization rate at hindi pa rin kritikal ang sitwasyon ng mga ospital.

Muli ring nilinaw ng mga Health Officials na hindi pa rin ito maituturing na ‘case surge’.

Bago ito, una nang nagbabala ang OCTA Research na posibleng maitala ang isang libong kaso kada araw sa bago matapos ang Hunyo, o unang linggo ng Hulyo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.