Active COVID-19 cases sa NCR, posibleng pumalo ng 83k sa katapusan ng Aug.- DOH

Posible pa umanong pumalo sa 83,921 sa katapusan ng buwan ang active COVID-19 cases sa Metro Manila kahit na palakasin pa ang pagbabakuna at pagsunod sa health protocols habang nakasailalim ang rehiyon sa enhanced community quarantine (ECQ).

Sa isang statement, sinabi ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang projections ng DOH at modeling tool na FASSSTER ay nagpapakitang ang intensified strategies ay maaaring magresulta sa 83,921 active cases sa August 31 at  158,489 active cases sa NCR sa September 30.

Ayon sa opisyal, kung na-extend ang ECQ ng dalawa pang linggo at mapapanatili ang pagpapatupad ng protocols, pwedeng umabot sa 66,403 ang active cases sa NCR pagdating ng August 31 at 269,694 sa September 30.

Hinimok naman ng DOH ang mga otoridad na ipatupad ang targeted restrictions at i-monitor ang granular lockdowns at specific high-risk activities.

Mababatid na nakapagtala ang bansa ng record-high 17,231 bagong COVID-19 cases ngayong araw, dahilan para umabot na ang caseload sa mahigit 1.8 milyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *