Additional 10% tax amnesty sa mga residente ng Legazpi City sinusulong ni Cong.Garbin

LEGAZPI-Kinakailangan na umanong magbigay ng 10 percent property discount ang lokal na pamahalaan para sa mga residente ng lungsod ng Legazpi.

Ito ang isinusulong ngayon ni AKB Party-list Representative Congressman Alfredo “Pido” Garbin.

Ayon kay Garbin, napapanahon na umano na magbigay ang gobyerno ng dagdag na 10-percent discount sa real estate taxes para sa mga property owners sa lungsod sa pagpasok ng taong 2022.

Kung maalala kasi, sa kasalukuyang sitwasyon, tanging nabibigyan lamang ng 20 percent discount ay ang mga residente na nagbabayad ng mas maaga ng kanilang taxes o nagbabayad sa unang quarter para sa buong taon.

Dagdag pa nito, dapat na umanong magkaroon ang Legazpi City Goverment sng sariling ordinansa na magbibigay ng Tax Amnesty sa may mga dati ng arrears.

Sa ganito umanong paraan, matutulungan ang mag residente mas lalo pa ngayon na may pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *