Nakumpleto na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-impreta sa mga karagdagan pang mga balota para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) 2023.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rey Dulay, ang mga bagong balota ay gagamitin para sa mga bagong botante na nakapag-rehistro mula December 2022 hanggang December 2023.
Maliban dito, bahagi rin ng mga karagdagang balota ang mga lugar na unang nagsagawa ng Plebiscite, katulad ng Carmona at Baliwag, kasama na rin ang sampung bagong barangay ng Taguig.
Sinabi naman ng election officials, noong pang Marso 2023 nila natapos maimprenta ang humigit-kumulang 92M official ballots para sa 2023 BSKE.