Talamak pa rin ang text scam na natatanggap ng mga subscriber ng malalaking Telecommunication Company sa bansa sa kabila ng SIM Card Registration Act.
Sa panayam ng Brigada News FM kay National Telecommunications Commission (NTC) Deputy Commissioner Atty. Jon Paulo Salvahan, sinabi nitong may average na 500 Text scam ang naitatala nilang reklamo sa kada araw.

Ayon kay Salvahan, ngayong araw ay magkakaroon sila ng post registration validation para malaman kung paano ba maiiwasan makapag-register ang mga scammer ng maling information kagaya ng Nakita sa nangyaring senate hearing.
Dagdag pa ng opisyal ng NTC, ang mga telcos ang nangangalaga sa sim registry o detalye ng mga subscriber na kanila namang hinihingi para makita kung maraming nakalusot na kahinahilang registration.
Samantala, nakatakda namang ilabas sa susunod na linggo ang in-adjust na implementing rules and regulations (IRR) ng SIM Card Registration Act.
Ngayong araw ay nakatakda ring makipagpulong ang NTC kasama ang iba pang stakeholders para rito.