Administrasyon hindi mawawalan ng standard bearer – Analyst

Kumbinsido ang ilang analyst na hindi mawawalan ng standard bearer ang administrasyon.

Ito ay sa kabila ng usapin ng substitution sa presidential race kung saan matunog ang pangalan ni Davao city mayor at presidential daughter Sara Duterte.

Sinabi ng political analyst na si John Raña na hindi mawawalan ng pambato sa pagkapangulo ang kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa katunayan ay naniniwala siyang mayroon na talaga silang napili pero kinukumbinsi pa sa ngayon.

Ayon kay Raña, sakaling hindi pumayag si Mayor Sara, posibleng i-adapt ng administrasyon ang isa pang presidential bet na hindi naman direktang oposisyon.

Samantala, nilinaw ni Raña na hindi maituturing na nuissance candidate si Senator Ronald Bato dela Rosa na nag-file ng Certificate of Candidacy sa presidential race dahil isa naman itong senador Ikinagulat kasi ng marami at tinawag na katatawanan ang ginawa ni Bato na pagtakbo sa pagkapangulo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *