Administrasyon Marcos, nalampasan ang revenue target sa 2.2% ngayong 2022

Nalampasan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang revenue target nito para sa 2022 ng 2.2% ayon sa ulat ng Department of Finance

Sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na umabot na sa P3.2 trillion ang revenue collection mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) base sa year-end report ng DOF.

Nalampasan ng halaga ang buong taong 2022 Development Budget Coordination Committee target ng 2.2%.

Pinadali din ng DOF ang pagpapatupad ng execution of grants at technical assistance na nagkakahalaga ng $85.5 million.

Para sa 2023, kasama sa mga plano ng DOF na patuloy na isulong ang mga pangunahing hakbang gaya ng Excise Tax on Single-Use Plastics, Value Added Tax sa Digital Service Provider, Ease of Paying Taxes, at Mining Fiscal Regime.

Humigit-kumulang $19.1 billion sa official development aid (ODA), $9.2 billion sa mga loans mula sa multilateral partners, at $9.8 billion sa mga pautang mula sa mga bilateral lenmders ang tinatayang makukuha ng national government sa darating na taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *