Afghan acting Deputy PM Baradar pinabulaanan may sigalot sa loob ng Taliban

Itinanggi ni Taliban co-founder at acting Deputy Prime Minister Mullah Abdul Ghani Baradar ang mga balitang nasugatan siya o kaya ay namatay dahil sa sigalot sa away ng mga paksyon sa kanilang grupo.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Baradar sa isang television interview matapos ang ilang araw nang mapabalitang namatay ito.

Maliban sa pagtanggi na siya ay injured o kaya ay namatay, nilinaw din ni Baradar ang mga balitang nagkakaroon ng sigalot ang kanilang grupo.

Sinabi ni Baradar na nagpapasalamat siya sa Diyos dahil punong-puno sila ng pang-unawa sa bawat isa sa grupo na higit pa sa isang tunay na magpapamilya.

Kinumpirma din ni Baradar na siya ay nasa biyahe sa labas ng Kabul kung saan walang dapat ikabahala ang Afghan nation.

Aminado naman si Baradar na hindi siya nakipagkita sa Qatar Foreign Minister nang bumisita ito sa Kabul dahil hindi niya alam na dadalaw ito ay kung sakaling nalaman niya, posibleng ipagpaliban niya ang kanyang sariling lakad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *