Afghanistan quake death toll: higit 1,000 na

Mahigit sa 1,000 tao ang patay habang 1,500 ang sugatan samantalang hindi pa malinaw kung gaano karami ang mga natabunan ng mga guho matapos ang magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Afghanistan.

Ayon sa report, ang South Eastern Paktika provimce ang labis na naapektuhan kung saan sa ngayon ay nagkukumahog ang United Nations sa pagbibigay ng emergency shelter at pagkain sa mga apektadong residente.

Kaugnay nito, umaapela ang Taliban sa Afghanistan ng international support upang mas matulungan ang mga survivors.

Samantala, pahirapan pa rin ang rescue efforts dahil sa malakas na ulan at kakulangan na rin ng resources.

Aminado ang senior Taliban official na si Abdul Qahar Balkhi na ang Afghanistan ay nakakaranas ng humanitarian at economic crisis kaya hirap silang mabigyan ng tulong ang kanilang mga mamamayan.

Nangangamba din ang mga residente at mga rescuers na mas marami pa ang maitalang patay sa lindol.(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.