Nais nang talunin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Communist Party of the Philippines (CPP) at ang armed wing nito na New People’s Army (NPA), sa kabila ng paglipat ng militar mula sa internal security operations (ISO) tungo sa external defense .

Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff General Andres Centino sa kanyang pamumuno sa first semester command conference sa Camp Aguinaldo, Quezon City na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng militar at matataas na opisyal ng defense department.
Ayon kay Centino, ang tagumpay ng mga operasyon ng militar laban sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang nag-udyok sa kanila na lumipat sa territorial defense habang sinusuportahan ang paglaban ng bansa, para sa pambansang interes nito sa gitna ng pagbabago ng global political landscape sa rehiyon.
Aniya, pinapataas ng AFP ang kapasidad at kakayahan nito sa pamamagitan ng nagpapatuloy na modernization program para makamit ang mga layunin ng ahensya sa pagpapahusay ng international defense ng bansa habang nakikipag-ugnayan sa mga natitirang pwersa ng CPP-NPA.
Sa huli, ipinaliwanag ng AFP Chief ang kahalagahan ng pagpapalakas at pagsisikap na mapabuti ang kanilang interoperability at intelligence, maging ang kahusayan sa lahat ng kanilang gagawing operasyon.