AFP, kinumpirma ang bagong resupply misson para sa BRP Sierra Madre

Magkakaroon ng panibagong round ng resupply mission para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ito ang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos hindi mai-deliver nang buo ang mga supplies nito dahil sa ginawang pambo-bomba ng tubig ng Chinese Coast Guard (CCG) sa naturang rotation and resupply o RoRe mission.

Sa Saturday News Forum, sinabi ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar nakahanda na ang bagong misyon.

Sa kabila nito, hindi raw muna sila magbibigay ng detalye lalo na’t tactical details ito at sensitibo sa operasyon.

Ang pinagkaiba raw sa ngayon hindi na lamang Pilipinas ang nakabantay dito lalo na’t nanonood rin ang international community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *