AFP, magpapadala ng augmentation para sa seguridad sa SONA ng Pangulo sa July 22

Naghahanda na rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nalalapit na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na July 22.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla bahagi ang Sandatahang lakas ng task force na syang mangangasiwa sa kapayapaan at seguridad ng ikatlong SONA ng Pangulo.

Sinabi ni Padilla, magpapadala sila ng mga karagdagqng sundalo o augmentation kung kinakailangan.

Aniya, taun-taon naman ay kabilang ang AFP sa Joint task force NCR na nagbibigay seguridad sa SONA.

Sa panig ng National Capital Region Police Office, nauna nang sinabi na nasa 22,000 mga pulis ang kanilang ipapakalat.

Karamihan dito ay ide-deploy sa Batasang Pambansa, places of convergence ng mga magkikilos protesta at ilang key areas ng Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *