AFP: Pagpapadala ng US war equipment sa bansa – ‘FAKE NEWS!’

Pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kumakalt na larawan sa social media a social media hinggil sa umano’y “massive shipment” ng mga war equipment ng Amerika sa Pilipinas.

Paglilinaw ni AFP Public Affairs Office Chief, Col. Xerxes Trinidad, fake news ito at 2022 pa nang kumalat ang larawan dahil kuha ito noong inihatid ang US$2 bilyon na security assistance ng Amerika sa Ukraine.

Pinabulaanan din ng AFP ang muling paglutang ng screenshot ng mensahe mula sa isang “General David” na nagsasabing nakataas ang Red Alert status sa hanay ng militar at tumanggap ito ng mga kagamitang pandigma.

Tiniyak naman ng ahensya na binabantayan nila nang maigi ang mga pangyayari hinggil dito, at hinimok din ang publiko na maging mapanuri sa mga balitang makikita online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *