AFP, pinaubaya sa Kongreso ang mandatory military service

Ipinaubaya na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Kongreso ang panukalang mandatory military sevice sa mga Pilipino.

Ayon sa panayam ng Brigada News FM Manila kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, napapanahon ang pagsulong ng batas para handang ipagtanggol ng mga kababayan ang bansa.

Una nang kinuwestyon ni Senator Robinhood “Robin” C. Padilla kung handa ba ang Pilipinas na ipagtanggol ang sarili nito at kung kailan oobligahin ang mamamayan na pumasok sa military service.

Dagdag pa ni Padilla, hanggang salita lamang ang pamahalaan pero kulang naman ang aksyon kung paano ipagtatanggol ang Ayungin Shoal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *