Pinaplano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magkaroon ng mas maraming maritime vessels at aircraft sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Matapos binomba ng tubig, ng barko ng China ang supply boat ng Pilipinas na gawa sa kahoy.
Ayon kay AFP chief of staff General Romeo Brawner, hindi lamang pagbabantay ang gagawin kundi palalakasin ng bansa ang presensya sa lugar.
Dagdag pa ni Brawner, kahit dagdagan ng Pilipinas ang barko at mga sasakyang pandagat ay hindi nito matutumbasan ang dami ng mga barko sa Tsina.