AFP sa Maguindanao LGUs, residente: Manatiling alerto matapos ang BIFF attacks

Nanawagan ang Armed Forces of the Philippines sa mga lokal na pamahalaan sa Maguindanao at sa kanilang mga residente na manatiling vigilant, sa kabila na napaalis ng mga security forces ang Islamic State-linked Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Mababatid na ang sagupaan ay nag-ugat sa pagitan ng joint police-military forces at mga armadong miyembro ng BIFF, na sumakop sa public market ng Datu Paglas.

Wala namang napaulat na sugatan o namatay sa naturang sagupaan, habang tumakas mula sa iba’t-ibang direksyon ang mga kalaban, at nakuha sa clash site ang apat na IEDs na iniwan ng nasa 20 armadong miyembro ng BIFF.

Sa gitna nito, tiniyak ni AFP chief of staff General Cirilito Sobejana na hindi magpapahinga ang security forces hangga’t hindi nanu-neutralized ang banta, at hindi bumabalik sa normal ang sitwasyon sa Datu Paglas.

Samantala, kinilala ng militar ang lider ng armadong grupo na si Mohiden Animbang, alias Karialan, na napaulat na kasama sa IED (improvised explosive device) attacks sa Datu Saudi Ampatuan noong March 2021, na ikinasawi ng dalawang tao at ikinasugat ng dalawang iba pa. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *